Sunday, August 26, 2012

MaLayo na Si Mommy ...

June 5 nung iniwan ko sila... August 26 na ngayon.. ilang araw nalang..magtatatlong buwan na kaming hindi magkakasama ng mag-ama ko. Hindi ako makapaniwalang kinaya ko na iwanan sila lalong lalo na si Jonas. Masaya ako dahil napatunayan ko sa sarili ko at sa pamilya ko na kaya ko pero hindi ko naman magagawa yun kung wala ring effort ang asawa ko na makipag chat, mag text, mag email. Lord, patatagin mo po kami sa anumang mga pagsubok. Ituro mo po sa amin kung paano mag-stick sa mga plans namin para sa kinabukasan ng anak namin at ng aming pamilya ..So far, eto yung isa sa mga pictures namin habang nagcha-chat.. Mahal na mahal ko ang mag-ama ko..sana ngayong pasko, magkasama sama kami ..


Tuesday, January 24, 2012

My Dream House




Kung kelan, kung saan, di ko pa masabi pero alam ko...malapit na ;)
Sobrang attracted ako ngayon sa type ng house na glass ang windows.
Tapos, may pagka-kwadrado ang type. Walang mga roof na triangle.

Labels:

Tuesday, April 14, 2009

KaYa NamiN To!

Ang tagal narin pala ng huling entry namin sa blog na ito.

Nakakatuwang isipin na ang dami nang nangyari sa buhay namin mula nung umuwi kami galing Singapore last June 2008. Ipinanganak ko si Jonas ng Sept 2008, balik Robinsons si Maries, balik 2GO ako pero nag-resign din nitong March 2009, nagkaroon ng yaya si jonas mula December 2008 hanggang Feb 28, 2009, na-hosptalized ang baby namin due to pneumonia last March 17-20 ’09, nagpalit sya ng doctor from Mendiola (UDMC) to Miranda (Mary Johnston), nakipagpalit kami ng kwarto kanila nanay dahil sa aircon, regular na ang schedule ng aircon sa buhay namin ( from 11am to 4pm, 8pm to 3am-malamig sa kwarto), ako na ang official yaya ng anak namin and soon, magsosolo na uli kaming mag-asawa.

Pagkagaling kasi ng Singapore, dito na muna kami tumira sa bahay ng parents ni Maries because our main reason is the coming of baby Jonas. Since we’re first time parents, takot pa kaming mag-alaga ng bata. Initially, our plan was to stay with them for 4 months only, but since Tita Gina’s house (the one we’ll be renting) is not yet available, our stay was extended to 7 months (and counting...). Under contruction parin yung bahay, may mga ginawang renovations pero I heard malapit na raw matapos. I’m actually excited and nervous sa nalalapit na paglipat namin. And I guess, ganun din ang nararamdaman ni Maries. Kahit na sabihin nating Manager ang asawa ko at todo suporta ang in-laws ko (Maries’ parents), malaking concern parin sa panahon ngayon ang financial stability. Ngayon pa na nag-resign ako. But I really hope makayanan namin.
Lahat naman may concerns pagdating sa pera and kahit papaano, masuwerte parin kami dahil maraming handang sumuporta at tumulong sa’min. Isa pang concern ko ay kung papaano maging full time housewife. Isang malaking question mark sa’kin ngayon yan dahil first time kong mag-aasikaso ng sarili kong pamilya (my hubby and baby). At sa pagluluto naman, adobo at sinigang palang ang alam ko. From these (few) concerns I’ve mentioned, gusto ko nang mag shift naman ng mood. Panget naman kasi lung puro worries ang lumalabas sa’kin. Oo nga maraming mga tanong pero hindi naman masasagot lahat kung hindi namin susubukan. Sa totoo lang, excited na’ko sa paglipat namin kasi we’ll learn to handle things our own way. I hope lalo pang tumibay yung bonding naming tatlo as a family. I hope din na maging strong kami sa mga challenges na maaaring dumating. I wish makayanan ni Maries ang mga lulutuin ko for him. Hehe. We’re expecting to transfer hopefully by May or June. Kaya namin to! Sabi nga sa commercial ni Robin Padilla “Wag kang aayaw, tink pasitib!”

Sunday, October 19, 2008

BaGoNg YuGTO Ng BuHaY NaMiN

Sa tuwing tinitingnan namin si baby jonas, napapangiti kami ni maries. Maging ako, hindi parin makapaniwala na mga magulang na kami. Dati nung buntis palang ako tinitingnan ko lang yung mga baru-baruan na binili namin para kay baby. Sabi ko pa, ang cute naman ng mga mittens at robe ni pepe (former nickname ni jonas nung nasa tiyan ko pa sya). Tapos ang lakas ng kaba ko, yung tipong magkahalong tuwa, excitement at nerbiyos narin dahil syempre karamihan naman yata sa mga buntis hindi matahimik hangga't hindi pa lumalabas at hindi pa nila nakikita ng aktwal yung bata. Anyway, ang dami rin naming narerealize ngayong kapiling na namin si jonas at isa lang ang masasabi ko, hindi pala ganun kadaling magkaanak. Nag-aadjust parin kami sa maraming bagay. Si maries natututo nang mag-ayos ng sarili nyang gamit pang-opisina, kumain mag-isa, tumanggap ng mga delayed reply ko sa text messages nya, matulog ng wala munang kayakap nang matagal, in short ... mag-solo! Lahat yan ay dahil sa busy ako sa pag-aasikaso kay bulilit. Kailangan oras-oras akong libre para magpa-breastfeed dahil oras-oras nagigising sya. Kung minsan nga, bago ko pa sya mapag-burp habang karga ko (kailangan ito para hindi kabagan at lumungad ng marami si baby), inabot na kami ng treinta minuto tapos pagkalapag ko sa kanya sa crib, ilang minuto lang iiyak na uli para dumede. Noong mga nakaraang linggo, ang sakit talaga ng katawan ko sa puyat at sa pagpapa-breastfeed. Para akong lalagnatin. Ngayon medyo nasasanay na. Malaki pala talaga ang nagiging epekto ng pagkakaroon ng baby sa relationship ng mag-asawa. I'm glad hindi ganoon kakitid ang isip ni maries gaya ng mga napapanood ko sa t.v. Yung mga daddy na pinagseselosan ang mga anak. Kahit nga pagod sya sa trabaho, minsan sinasamahan nya ako sa pagpupuyat... yun nga lang ako hawak ko si jonas, sya ang hawak nya yung psp nya. Nga pala, hindi lang si maries ang hindi ko napapagtuunan ng panahon ngayon, pati rin ang sarili ko. Mahilig kasi akong magsuklay, mag-ayos, mag-powder etc. pero ngayon, laging nakaipit ang hair ko na kung minsan ay hindi pa nasusuklay, kadalasang basa ang damit ko dahil sa leak ng milk, at marami pang mga kaartehan ko sa katawan ang medyo naisantabi ko muna.
Sabi nila, mabilis lang naman daw ang pagiging baby ni jonas kaya i-treasure daw namin ang bawat moment. Naniniwala kami dun kaya lalo rin kaming nagsusumikap na makapag-adjust bilang mga magulang at bilang mag-asawa. Alam ko na imposibleng hindi namin makayanan ito dahil yung lola ko nga, naka-pitong supling pero naka-survive! (single parent pa yun at labandera ang hanapbuhay). Bakit naman yung iba diyan, kambal pa ang mga anak pero okay naman sila. Salamat nalang talaga at mabait ang mga in-laws ko. Laging handang tumulong lalo na pag nade-drain na ang energy ko for the day. Sa December, magtatrabaho na uli ako, how ironic, dati rati tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko bang mag-stay para alagaan full-time si jonas... ngayon naman tinatanong ko kung kaya ko bang makapagtrabaho at iwanan muna si jonas sa iba? Parang hindi ko naman ma-imagine na hindi ko kasama si jonas. Well, para kay jonas, kakayanin naming mag-adjust. Pasasaan ba at magiging balanse rin ang pagiging magulang at pagiging mag-asawa namin... Pasasan ba at babalikan nalang namin nila maries at baby jonas ang mga pangyayaring ito balang araw at mapapangiti nalang.

Monday, June 23, 2008

4 tHinGS

Four things about me that you may or may not know in no particular order.
This can be fun.

A) Four jobs I have had in my life:
1. Purchasing Assistant
2. CSR
3. Training Specialist
4. Telesales

B) Four movies I would watch over and over:
1. Cutting Edge
2. An Affair To Remember
3. Bugs Life
4. Lord of the Rings

C) Four places I have lived:
1. Pasay City
2. Novaliches Q.C.
3. Tondo Manila
4. Singapore

D) Four TV shows that I enjoy watching:
1. Raven
2. Ellen
3. Pucca
4. CSI

E) Four places I have been:
1. Pangasinan
2. La Union
3. Baguio
4. Tagaytay

F) Four People??? Who Email Me Regularly: (Walang Palya!)
1. Friendster update ;)
2. JobsDb
3. Names Database
4. Yahoo

G) Four of my favorite foods:
1. Sinigang sa miso
2. Bistek
3. Tocino
4. Spaghetti ni Mama

H) Things I am looking forward to this year (2008):
1. Ang paglabas ni Baby Pepe
2. Ang maging mommy
3. Matutong Magluto (ang tagal na nito...)
4. Makapagpatayo ng mansyon!

Thursday, January 31, 2008

20 Questions

Tagged by Beej.

Here’s the rule: Remove 1 question from below, and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag people in your list, list them out at the end of this post. Notify them in their chat box that he/she has been tagged. Whoever does the tag will have blessings from all.

1. At what age do you wish to marry? 25. sakto lang nung kinasal kami ni maries.
2. What color do you like most? Blue parin!
3. If you have the chance, what would you probably say to your beloved one? Kahit na anong mangyari, mahal ko kayo.
4. Where is the place that you want to go the most? bumalik sa Pinas ; (
5. Which part of you that you hate the most? kilikili!
6. When you encounter a sad moment, what would you do? umiyak tapos matulog
7. What are you afraid to lose the most? People I love. (parehas kami ni buddy billie)
8. If you win $1 million, what would you do? bumalik ng pinas, tulungan ang pamilya ko, magtayo ng business, tumulong sa nangangailangan at ipunin kung anuman yung natira.
9. Till now, what is the moment that you regret the most? yung mga pagkakataon na busy ako sa trabaho para pagtuunan ng atensyon ang mga mahal ko
10. Which type of person do you hate the most? plastik at inggitero, pati rin yung mga may b.o.
11. What is your ambition? maging isang mabuting ina at asawa
12. If you had one wish what would you wish for? maging masaya lahat ng nilalang sa mundo
13. Name one of your body part your hubby or boyfriend tells you he adores. pwet.hehe
14. What is the best gift you can give someone this year? baby .. para kay maries ; )
15. What do you need to do this year in order for you to be happier in life? magsilang ; )
16. What do you want to achieve this year or what are your goals for 2008? maging tanging ina
17. What’s your career goal this year? maging part-timer (for a change)
18. What would be the best day of your life so far? January 7, 2006
19. Who among your long lost friends are you hoping to bump into? wag na! patay na yung naiisip ko eh.kakatakot!
20.If you could change your name, what would it be?

Tagging Chabio, Pinky, Myra, Madz, and Tina.

Sunday, January 27, 2008

Update kAy BaBy ...

Masyado nang maraming nangyari kaya isa-summarize ko nalang para mabilis ...
Jan 11 - "Congrats!" sabi ni Doc. Buntis daw ako pero hindi pa makita sa ultrasound yung baby dahil masyado pa raw maaga. Baka daw dalawa yung baby, isa sa loob at isa sa labas (ectopic) pero kailangan pang obserbahan.
Jan 13 - sumasakit ang puson ko. sa gitna at saka sa left side.ora mismo, sinabi ng doctor na kailangan ko na i-confine at obserbahan. Till Jan 15 ako sa hospital hanggang sa medyo nawala na yung sakit ng tiyan ko. Sabi ni Doc, baka daw yung "bukol" sa left side yung nagpapasakit ng tiyan ko. Safe naman daw si baby sa loob at walang baby sa labas. (salamat naman)
Jan 21 - ine-sched ako ni doc para magpa-ultrasound. yung result, bukas pa raw malalaman.
Jan 22 - Ang pinaka as in pinaka-nakakainis na araw sa buhay naming mag-asawa. hinanap sakin ni doc yung film ng ultrasound, sabi ko wala sakin dahil ifoforward nalang daw sa kanya. Hanap sya sa computer nya at parang namomroblema pa sya dahil sira ang printer nya. Nung nakita nya na yung report, nanlamig kami sa mga sinabi ng lolo mo ...
Doc - (binubuklat ang ultrasound film ko nung Jan 11 ... sabay nagtanong ..) in english "kamusta ka naman? may spotting ba? (wala po) sumasakit pa ba tiyan mo? (minsan nalang po pero bearable naman) "sa record mo kasi ay wala pang ma-detect na baby ( huwat!!! eh di ba sinabi mo lang last Jan 11 na buntis ako? at saka bakit yung Jan 11 ultrasound film ang tinitingnan mo?! Di ba Dapat yung kahapon na ultrasound ang dapat mong tingnan?!)
So medyo nanlulumo na kaming dalawa ni Maries ...
Doc: Seryoso as in parang walang pakialam sa mga sinasabi nya ... "i-oobserve pa natin for one week ... pag wala paring nakitang baby, pede nating i-assume na miscarriage yun" ... (huwat??? eh wala nga po akong spotting! ) (nanlalabo na talaga paningin namin ni maries at halos hindi na namin ma-absorb ang pinagsasasabi nya ... meron pa syang sinabi na " we need to wash .." (hindi ko ma-gets pero ang dating sa'min eh balak nya na akong raspahin?!) By the way, lalaki ang doctor na ito at iba ang lahi nya.
Natapos ang tila nakakapanlumong diskusyon sa loob ng clinic. Si Maries, hindi na nagsasalita sa sobrang inis. Ako naman, naluluha na. Naisip ko, kung hindi ako buntis eh bakit yung mga symptoms nararamdaman ko? at saka bakit tatlong preg kit nagsabi ng positive ang result?
Parehas kaming walang gana habang nagla-lunch. Buti nalang at may kakilala si Maries na pinay na nagbuntis din sa Singapore at tinext nya kung sino ang Doctor nya. Mabilis naman na nag-reply yung friend nya at sinabi kung saan ang location nung doctor.
Para lang din matahimik kaming dalawa, pumunta kami sa doctor nung friend ni Maries. Ang dami pala nung pasyente kaya kahit mga 2:30pm na kami dumating, na-asikaso kami ng past 4pm.Partida pa yun, umalis si doc nfor 30 minutes para magpaanak ng isa nyang pasyente.
Isang nakangiting doctor na kamukha ni Connie Angeles (Kapwa ko, Mahal Ko) ang sumalubong sa'min. So mega kwento kami ng nakakatakot naming experience sa doctor na yun ... at halos 80% nang usapan ay si Maries ang nagkwento. May kasama pang buntong hininga yun. So inultra sound ako agad ni doktora ..
Doktora : tingnan nga natin ... pede ka ring manuod (sabi nya kay Maries) "uhumm... anong walang baby? eh ayun yung baby oh. sobrang liit pa nga lang nya pero andun sya. tingnan mo" ..(sabi nya kay maries) itong maliit na ito, ito ang puso nya..may heartbeat naman..."nakangiting sabi ni doctor.
Sabay kaming nabunutan ng tinik sa dibdib ni Maries. Grabe! Sobrang nakakapagod ang araw na'to. Ako, inantok bigla. Si Maries naman sumigla bigla. Hehe... HInding hindi na kami babalik sa unang doktor na pinuntahan namin. So sa February 5, may appointment uli ako kay doktora.
Baby, magpalakas at magpalaki ka ha. We love you.

Sunday, January 20, 2008

TReS pREgNaNCy TeST


Legend :
I I (two lines) - POSITIVE
I ( one line) - NEGATIVE

Last January 10, habang nasa trabaho ako, nasabi ko sa sarili ko "Aba! mukhang five days na yata akong delayed ha. Kakaiba na'to. Makabili nga ng preg test mamyang lunchbreak... Kung negative e di okay lang, kung positive e di masaya"

Lunch time, bumili ako ng pinakamurang preg test sa Guardian at sinubukan ko agad. "Huh! two lines?" Ang lakas ng kaba ko kasi sabi pa dun sa box "99% Accurate" ... pero hindi parin ako ganun ka convinced dahil mura lang yung preg test kit. Baka deffective lang yung nabili ko.

Hindi ako makuntento sa nakita ko kaya pumunta naman ako ng Watson's para bumili uli ng mas mahal na preg test.Ilang minuto akong nagtagal sa banyo pero siguro sa nerbyos narin ay hindi ako ma-jingle bells. Kinailangan ko pang uminom ng isang bote ng mineral water at maglakad-lakad para lang ma-jingle uli.So eto na naman, sa C.R. inaaway ko na naman ang panibagong preg test kit "two lines ba'to? or one line plus isang malabong line?! Medyo nalungkot ako this time kasi feeling ko hindi consistent ang mga results. Since tapos narin naman ang lunchbreak ko, wala nang time para mag-emote sa banyo kaya lumabas na'ko agad at dumeretso sa trabaho.

Hindi parin ako mapakali pagdating sa work kaya tinawag ko ang isa kong ka-trabaho, si Dion ...
Ako: Uy..tingnan mo naman yung mga preg test ko.hindi ko sure kung buntis ako oh ano...
Dion: Ilang lines ba? Pag two lines buntis ka ...patingin .. (nanlalaki ang matang tinitigan ang dalawang preg test)
.... Ay Mel! Buntis Ka!!!! Ayyyy! Naku sigurado yan buntis ka!
Ako: Pero malabo yung isang line eh..
Dion: Hay naku, kabisado ko na yan, kahit malabo yan, two lines parin yan! Naku Buntis ka talaga! Oh! Huwag ka na masyadong kumilos ... eto ang mga files, mag paper works ka nalang ...

Aba! at hindi pa nakuntento ang lola mo.Sa sobrang kagalakan ay ipinamalita na agad sa buong madla..part-timers man o full-timers ... "Hey! Hey! Melody is pregnant!!!"

Sobrang nakakahiya talaga pero mixed emotions kasi eh. Hindi ko pa kasi alam kung totoo o hindi kaya kapag may nagco-congratulate sa'kin, sinasabi ko nalang "Thanks! ... but I'm not yet sure about it.. (showbiz!)"

Sa gitna ng lahat ng ito, tinawagan ko si Maries sa cellphone ..
Ako: Honey.. honey ... buntis yata ako. Kasi nag preg test ako kanina tapos two lines! Ewan ko lang pero sana ..
Maries: Ha?! Talaga?! (hindi ko alam kung naiiyak, natatawa o naeebs) Mas mabuti ipa-check up natin bukas para sigurado ...

Dion: (Parang echo na nakikisingit sa usapan) Hay naku Mel! Sure na yan! buntis ka!
Ako: Naku Dion, pag nagkatotoo yang sinasabi mo talagang matutuwa ako sa'yo.
Dion: Pag nagkatotoo na buntis ka, isa lang ang hihilingin ko sa'yo...Ihanap mo ako ng bagong trabaho.. ( NYARR!!!)

Ngayon ko lang naranasan yung sobrang pagkainip sa trabaho na sa bawat minuto, tinitingnan ko yung relo at bumubulong na .."sana uwian na..." Gusto ko nang makita at makasama si Maries. Alas diez y media ng gabi, uwian na! So habang naglalakad ako pauwi, dumaan muna ako sa Seven-Eleven para bumili "na naman" ng preg test.Pagdating sa bahay, normal lang yung reaction naming mag-asawa dahil ayaw rin naming mag-expect.Inilabas ko ang pangtlo at huling preg test at sinubukan sa banyo...

Ako: Hon! Hon! Halika tingnan mo yung result ..
Maries: Ayoko .. Kinakabahan ako ... (hehe)

At sabay naming nakita ang "positive sign". Nakangiti kami pareho na parang lasing sa kagalakan. Hawak kamay. Bukas, magpapacheck-up ako sa doktor at dun namin malalaman kung ano talaga. Pero yun yung gabi naming mag-asawa na puno ng kaba, pag-asa, dasal, pangarap ... lahat na yata naisip na namin hanggang sa makatulog na kami.


Friday, January 04, 2008

P.R. nA KaMi!

P.R. - Permanent Resident (Singapore)
Ang sarap isipin na pagkalipas ng halos tatlong buwang paghihintay (Sept 19 - Nov 30), lumabas na rin ang resulta.
Masaya kami kasi hindi naman lahat ng sumusubok mag-apply ng P.R. ay nagtatagumpay. Yung iba luhaan o di naman kaya ay duguan.hehe..
Sa totoo lang, marami nang plano ang nakapila sa isip ko. Unang una, dahil P.R. na kami, pwede na akong maging isang ganap na maybahay dito sa Singapore. In short, magre-resign na'ko sa stressful na trabaho at mag-stay nalang sa bahay. hay.. sarap naman nun!
Pangalawa, uuwi muna kami ng Pinas para magbakasyon. Syempre, feel na feel ko rin ang pagiging OFW kaya paminsan minsan, kailangan ding magbalik-bayan. Kita kits uli kami ng mga kapamilya, friends and countrymen!
Actually, marami pa'kong pinaplano pero ibo-blog ko nalang pag nangyari na .. ay... hindi na "plano"yun.
Sana yung isang matagal na naming plano ay magkaron na ng kaganapan .. sana ngayong 2008 ay maging Mommy and Daddy na kami ; )

Wednesday, June 27, 2007

BaWaL MagKAsaKit!

Singhot! Singhot! Ubo-ubo-ubo! HAtching!
Yan ang gawain ko mula pa nung nakaraang linggo. Hay! ang hirap magkasakit dito. Bukod sa malaki na ang kaltas sa sweldo mo pag nag-absent ka, malaki rin ang halaga ng pagpapagamot. ABa, nung nagpacheck-up ako, 55 sing dollars ang siningil sakin.Kung sa bagay, kasama na ang antibiotics at iba pang mga gamot sa ganung halaga. Habang nag-eemote ako sa sakit ko, syempre si Maries ang taga-alaga ko. Super close kami nitong mga araw na ito kaya in just a few days ... sumisinghot at umuubo narin sya. Kawawa naman. Hindi ko sinasadyang mahawahan sya pero nagtataka lang ako, bakit si maries nung nagkasakit masigla parin at nakakapagtrabaho.Samantalang ako, parang may malubhang karamdaman ... gusto ko lang nakahiga lagi at nagpapahinga. O.A. noh! sipon lang naman at konting lagnat.
Eto pa, kahapon lang biglang humina ang pandinig ko at medyo makirot ang tenga ko kaya napilitan na naman akong magpa-check up. Ayun, 45 sing dollars naman ang siningil sakin kasama ng ear drops at antibiotics. Hay! Nahihiya na nga ako kay maries. Napakasakitin ko talaga. Pero sa lahat ng yan, ito ang isa sa pinakamalungkot na katotohanan ... sa kabila ng pagkakasakit eh isang nakakagulat na 56.8 kilos na ang timbang ko! So ibig sabihin nun, 1.8 kilos ang nadagdag sakin mula nung nagpunta ako dito sa singapore.
Habang tinatype ko ito, sumisinghot parin ako. Sana, maging malakas na ako gaya ni joan (duan), medyo pumayat narin ako gaya ni kateh at maging masigla na uli ako gaya ni ms. chabs...ay pero wag naman masyadong hyper... yung tama lang.

Saturday, June 23, 2007

NagBaBaLik

Ang tagal ko ring hindi nakapag-blog. Busy kasi ... at saka malayo ang computer shop samin ... at saka mahal ang bayad ... at saka ... teka nga, ang dami kong dahilan. ang mahalaga heto na uli ako ...
Dalawang araw na akong naka-MC (sick leave) sa kompanya dahil sinisipon at inuubo ako. Syempre, hindi ako pwedeng mag-offer ng credit card sa phone habang sumisinghot at umuubo. So habang nasa bahay ako, panuod nuod lang ng TV, kain, tulog at kain (uli) ang ginagawa ko. Si Maries naman, nasa bahay sya kaninang umaga at bandang 1:30pm pa sya umalis para pumasok sa opisina. Mga 11pm na siguro ang balik nun sa bahay.Kaya eto, solo flight na muna ako.
Bakit ganun, parang ang dami kong naiisip isulat dito nung isang araw pa pero ngayong kaharap ko na ang computer, hindi ako makapag-isip.
Ie-enumerate ko na lang... hehe ..
1. mula sa malaking kama, maliit na uli yung kama namin ni maries. sobrang thankful ako kasi mas naging close kami (literally hehe...). basta iba talaga ang feeling nung magigising ka sa madaling araw or sa umaga tapos kayakap mo yung mahal mo. (sana lang wag magkapalit yung mukha namin ... )
2. nakabili na si maries ng pangarap nyang PSP kaso puro wrestling palang yung game nya.pinagiipunan pa nya yung NBA 2007.
3. hindi na magkasya sakin yung pants ko na black ... so ibig sabihin nun ... umurong yung tela sa kakalaba (ows?)
4. ako na nga pala ang official barbero ng honey ko. ang dali lang pala mag-shave ng ulo.easy!
5. lumaki na naman yung tyan ni maries dahil sa tatlong plato ng rice gabi-gabi (hon,hinay hinay lang)
yung ibang update, sa susunod nalang uli kasi medyo hapon na. kailangan ko nang mag-log-out.

Saturday, December 23, 2006

HeLLO SingaPORE

Habang papalapag palang yung eroplano, iniisip ko kung pano ko yayakapin si Maries. Tatakbo ba ako palapit o dahan dahan na mala telenobela. Hehe. Habang iniisip ko yun napapaiyak na'ko kasi gustung gusto ko na syang makita. Lumapag yung eroplano ng past 12midnyt. So madaling araw narin ng Dec 20. Malakas pa ang ulan pero may payong naman na ni-provide ang budget terminal. Akala ko nga giveaway, hindi pala, isosoli rin. hehe.

Bago lumabas, pipila pa sa immigration. Medyo kampante naman ako dahil wala naman akong illegal na transaction. So eto yung mga tanong sa'kin:

Immigration: Why are u here?
Ako: I'm here to spend holiday with my husband and sister-in-law.
Immigration: How much money do you have?
Ako: Three Thousand Pesos
Immigration: Come with me ...
(Kinabahan ako ... pero cool parin kasi ... malamig sa airport)

Dinala nya ako sa room na mala-aquarium ang dating kasi glass yung door at yung isang pader (for viewing purposes siguro ) Yung Room parang Bacolod Room na pinalaki. Pagpasok ko, ang daming pilipinong nakaupo. 15 na pilipina at anim na seaman. Hindi nga normal yung scenario kasi tipikal sa pinoy ang madadaldal pero nung time na yun, tahimik lahat. Shaks! as in nagtititigan lang kami. Hindi namin alam kung bakit kami ni-hold. Eto pa, yung glass door, naka-lock. Yung lock na nabubuksan lang pag may pinasok kang code or combination ng numbers. Ako, nag-aalala dahil baka hinihintay na'ko ni maries sa labas kanina pa. Wala nang battery yung cellphone ko buti nalang dinala ko yung isang cellphone na pinahiram ni bilo. Pagkabukas ko nung cellphone ni bilo, may natitira pang battery kaya naitext ko si Maries na ni-hold nga ako ng immigration. Tinext nya sakin yung address na tutuluyan namin baka raw sakaling tanungin.

Nung sumilip yung officer at tinawag yung pangalan ko, dinala ako sa isang room na parang may ATM machine. Nakakahiya man pero dahil likas akong malakas mag-comment, sabi ko pa " wow! hightech" Hehe. Imagine, kukuhanin yung thumbmark ko ng walang tintang masasayang. Idinikit yung daliri ko sa sensor tapos nakita ko na sa screen yung thumbmark ko. Tapos binalik uli ako sa aquarium. So, as usual, nagtititigan at nagbubulungan na naman kami ng mga kasama kong pinoy. May hidden cam din pala akong nakita ... in that case, hindi na sya hidden.

Nung sumilip uli yung officer at tinawag uli yung pangalan ko, lumabas kami ng aquarium at pumunta na kami sa immigration area and in fairness, nag-shift na yung character nung officer, naka-smile na sya and sabi nya " hello! so you're spending holiday with your husband?" Sabi ko "Yes" Sabi nya "So is he waiting outside?" Sabi ko "Yes" Sabi nya " Where will you stay?" Buti nalang tinext ni maries yung address kanina kaya nilabas ko yung cellphone ni bilo at kinopya yung address. Tapos, may sinabi sya sa kasama nya at may inencode sila sa system at nakalabas na'ko. Sa wakas.

Yung maleta ko na hiniram ko pa kay joan at yung isa kong makulay na bag ay malamang nagrereklamo na kung nakakapagsalita lang dahil nahilo na sila sa kakaikot. Hehe.


Malayo palang kumakaway na si Maries at si Mae. Grabe bumalik uli yung energy ko. Nung nagkalapit na kami, binigyan ako ni maries ng isang set ng galaxy chocolates. Wow Paborito! Kinuha nila mae (sister-in-law ko) at rowell (kasama nila sa condo) yung bag ko. Niyakap ko ng mahigpit si maries. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na sya. Ang payat ng Honey ko. Sabi ko pa habang umiiyak "Honey ang payat mo... kung hindi lang kita kilala, iisipin ko may dyabetis ka... "

Simula na to ng adventures namin ni maries sa singapore ... sa taxi, habang umuulan ay masaya nalang naming binalikan yung experience ko sa immigration. Ang mahalaga, magkasama na kami ni Maries.

Saturday, November 18, 2006

30 Days NaLanG

Nandito parin ako sa office ngayon. Gusto ko na sanang umuwi kaso nung nabasa ko yung blog ni Kateh... Nainspire akong i-update itong blog namin ni Maries. hehe... Thanks to Kateh!

Sa wakas ay nakakapag-adjust narin ang honey ko dun kahit papaano. Nakakapag-chat narin kami pag day-off nya. Araw araw din syang tumatawag sa cellphone ko.

30 days nalang! Magkikita at magkakasama narin uli kami. Excited na'ko!

Si MaRieS Sa SiNgaPoRe















Hanapin sa Larawan Ang HOnEy Ko ; )

Monday, September 25, 2006

PaRa KAy MaRieS ...

labis kong hinahangaan
ang iyong katapangan
na pamilya ay iwanan
at magtrabaho sa ibang bayan
hindi biro ang kalungkutan
na iyong nilalabanan
gayundin ang pagod
ng iyong katawan
katumbas ng pawis at luha
ay ang butil ng pag-asa
na nais mong ialay
sa iyong mahal sa buhay
kapalit ng pagsasakripisyo
ay ang katuparan ng pangako
na hindi mo hahayaang
kami ay mahirapan
nawa'y lalo kang patatagin
ng aming mga dalangin
na sa panahon ng pagdirimdim
ay 'wag ka Niyang lisanin
damhin mo ang pagmamahal
ng puso naming nananabik
baunin mo sa pag-idlip
ang alaalang matatamis
isang araw sa iyong paggising
muli ka naming makakapiling
mga sakripisyong dinaana'y
bakas na lang ng magandang buhay
9.23.06

Wednesday, September 20, 2006

MiSsiNg My HoNey

One month and 5 days na simula nung umalis si Maries papuntang Singapore. Miss na miss ko na sya. Hindi biro ang pagtatrabaho sa ibang bansa lalo na kung sobrang close ka talaga sa family mo. Hindi rin biro ang gabi-gabing pag-iyak dahil sa kakaisip kung okay lang kaya sya? Alam ko sobrang laking sakripisyo ang ginagawa ng honey ko at sobrang proud ako sa kanya. Kaya eto, lilibangin ko nalang din muna ang sarili ko habang hinihintay na matapos ang dalawang taon nyang kontrata. Sana nag-eenjoy din sya doon kahit mahirap ang trabaho. Di bale, bibisitahin ko naman sya sa December 20. Hay naku! Kahit na anong mangyari kailangang matuloy yun.

Tuesday, June 13, 2006

LaKad PamPaMiLya

4am palang gising na kami ni Maries… ay ako lang pala ang gising kasi sobrang inaantok pa ang honey kong tabachingching. Nagbihis na kami agad dahil 5am daw kami aalis papuntang Antipolo. Buti naman at meron kaming sasakyan na FX kaya kahit habang bumibyahe ay pwedeng matulog. Lakad pampamilya ito dahil ang mga kasama lang ay si nanay, daddy, mae, maries at ako plus yung driver. Sa araw rin na ito ay sine-celebrate namin ang anniversary nila nanay.

Second time ko palang na makapunta sa Antipolo. Yung una kong punta, hindi kami nakarating ni daddy ko sa church kasi ang daming tao. Bale unang beses ko palang na nakapasok sa simbahan ngayon. Maganda yung church kahit na maliit lang. Habang nasa loob nga kami ay umulan ng malakas sa labas eh. Pagkalabas naman namin sa church ay bumili kami ng kasoy na mainit-init pa, suman at yung hugis triangle na kulay brown na kalamay yata yun. Sa FX palang, kinain ko na yung kasoy kasi ang sarap eh.

Habang pauwi na kami, kumain muna kami sa chowking ng breakfast. Tapos pagbalik sa FX, kausap ko naman si pinky sa cellphone. Ang tagal ng usapan namin habang si maries naman ay nakatulog narin sa sasakyan dahil walang kausap. Dadaan pa nga sana kami sa SM San Lazaro kaso since sobrang aga pa, sarado pa yun. Nag-decide nalang kami na umuwi. Pagdating sa bahay, natulog uli kami ni maries. At mga 11am na yata kami nagising. Ang sarap pa sanang matulog eh kaso may pasok pa si Maries kaya bumangon narin kami at nag-lunch.

Sobrang pahinga lang ang ginawa ko ngayong araw na ito at tinapos ko narin ang pagbabasa ng The World’s Greatest Miracle. Kailangan ko naring isoli yun kay pinky dahil ilang araw nalang ay baka magkahiwa-hiwalay na kami. Haaaayyy…

Saturday, May 20, 2006

kApiT kAmaY ... ( paA paLa )

Photobucket - Video and Image Hosting

minsan, isang hapon, wala kaming magawa, kaya eto...

Thursday, May 18, 2006

tHE RigHt PeRsoN

Gusto ko lang i-share yung nabasa kong forwarded e-mail. Na-inspire ako dito at saka naisip ko rin na swak na swak ito sa amin. Dapat talaga sa isang relationship, wag kang masyadong mag-expect sa mahal mo. I mean, kung gusto mo syang "gawin" yung gusto mong makita sa kanya, hindi ka dapat ma-disappoint kung hindi nya ginagawa or hindi nya kayang gawin. Unang-una sa lahat, hindi sya perpekto. Pangalawa, marami pang ibang mga bagay na maganda sa kanya. At marami ka ring mga bagay na pwedeng gawin para lalo pang sumaya ang pagsasama nyo. Pangatlo, nasa sa iyo na yun. Kung mahal mo talaga sya, kahit may mga times na nagkakaproblema kayo, kahit na lumipas na yung mga panahon ng lambingan at kulitan, kahit na lumipas man ang matagal na panahon, kahit na pareho na kayong uugod-ugod at masungit ... mananatili parin yung pangako mo na mamahalin mo sya kahit na anong mangyari ...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
During one of our seminars, a woman asked a common question. She said, "How do I know if I married the right person?"

I noticed that there was a large man sitting next to her so I said, "It depends. Is that your husband?" In all seriousness, she answered "How do you know?"
Let me answer this question because the chances are good that it's weighing on your mind. Here's the answer.

EVERY relationship has a cycle. In the beginning, you fell in love with your spouse. You anticipated their call, wanted their touch, and liked their idiosyncrasies.

Falling in love with your spouse wasn't hard. In fact, it was a completely natural and spontaneous experience. You didn't have to DO anything. That's why it's called "falling" in love... because it's happening TO YOU. People in love sometimes say, "I was swept of my feet." Think about the imagery of that _expression. It implies that you were just standing there; doing nothing, and then something came along and happened TO YOU.

Falling in love is easy. It's a passive and spontaneous experience.

But after a few years of marriage, the euphoria of love fades. It's the natural cycle of EVERY relationship. Slowly but surely, phone calls become a bother (if they come at all), touch is not always welcome (when it happens), and your spouse's idiosyncrasies, instead of being cute, drive you nuts.

The symptoms of this stage vary with every relationship, but if you think about your marriage, you will notice a dramatic difference between the initial stage when you were in love and a much duller or even angry subsequent stage.

At this point, you and/or your spouse might start asking, "Did I marry the right person?" And as you and your spouse reflect on the euphoria of the love you once had, you may begin to desire that experience with someone else. This is when marriages breakdown. People blame their spouse for their unhappiness and look outside their marriage for fulfillment.

Extramarital fulfillment comes in all shapes and sizes. Infidelity is the most obvious. But sometimes people turn to work, church, a hobby, a friendship, excessive TV, or abusive substances.

But the answer to this dilemma does NOT lie outside your marriage. It lies within it. I'm not saying that you couldn't fall in love with someone else. You could. And TEMPORARILY you'd feel better. But you'd be in the same situation a few years later. Because (listen carefully to this):

THE KEY TO SUCCEEDING IN MARRIAGE IS NOT FINDING THE RIGHT PERSON; IT'S LEARNING TO LOVE THE PERSON YOU FOUND.

SUSTAINING love is not a passive or spontaneous experience. It'll NEVER just happen to you. You can't "find" LASTING love. You have to "make" it day in and day out. That's why we have the _expression "the labor of love." Because it takes time, effort and energy. And most importantly, it takes WISDOM. You have to know WHAT TO DO to make your marriage work.

Make no mistake about it. Love is NOT a mystery. There are specific things you can do (with or without your spouse) to succeed with your marriage.

Just as there are physical laws of the universe (such as gravity), there are also laws for relationships. Just as the right diet and exercise program makes you physically stronger, certain habits in your relationship WILL make your marriage stronger. It's a direct cause and effect. If you know and apply the laws, the results are predictable...you can "make" love.
Love in marriage is indeed a "decision"... not just a feeling.

Saturday, April 29, 2006

Si MAriEs

Si Maries ... gaano sya kakulit?

mas updated sya sa istorya ni Jang Geum at ng Encantadia
mahilig magtimpla ng ice coffee
makikipaglaban sa akin mapanood lang ang dragon ball Z
nag-aalmusal na ang ulam ay sabaw lang ng adobo
tumutulis ang nguso pag nakasimangot
mahilig gumaya ng mga personalities gaya ni ate guy, jang geum at michael v.
mahilig manood ng wrestling
pati ako, nire-wrestling
mas magaling umirap kaysa sa'kin
ayaw manood ng tagalog na pelikula sa sine
pero mahilig manood ng cinema one at pinoy blockbuster
nawawalan ng powers kapag kinikiliti
malakas humilik
magaling mag-budget
mahusay magluto ng bistek at sinangag
magaling sumayaw
parang bata pag na-excite sa isang bagay
mahilig maglaro ng pacman
kamukha nya na si pacman
natutuwa kapag napapag-usapan ang nakaraan naming kabataan
pati commercial sa tv walang ligtas, kritiko kasi
magalang na anak
mapagmahal na asawa
maalaga at masayang kasama


araw araw marami akong natutuklasan sa kanya
at nagpapasalamat ako dahil nakikilala ko pa sya ng husto.
ang dating mala-seryosong tao ay makulit at makwela pala.
kaya ang sarap gumising sa umaga dahil sya agad ang nakikita ko...
at niyayakap ng mahigpit.

itong si MARIES ... sobra talaga sa kulit. actually, unique.
i think kasama na talaga sa package yun...
ng pagpapakasal at pagsisimula naming dalawa bilang mag-asawa.




Monday, April 24, 2006

cLusiVoL

Sa panahon ngayon, bawal talaga ang magkasakit. Buti nalang at may Health Insurance ako. Buti nalang din at nandyan sila nanay at daddy, tita gina, ninong nonoy at marty. Buti nalang at nandyan si Maries. Naging maayos naman ang operation ko and I’m really glad because the people I’ve mentioned were there to assist and take care of me.

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Mga dumalaw sa hospital : honey, tita tebong at tita tess.

Isang lingong may gasa ako sa ilong kaya sa bibig lang ako humihinga at hindi madali iyon. Bukod sa nakakailang ay hindi masarap sa pakiramdam. Hindi ko rin pwedeng basain ang mukha ko kaya magkabukod kong pinaliliguan ang katawan at ulo ko. Na-appreciate ko nga ng husto ang presence ni Maries at Bilo dahil sila ang nagsa-shampoo at nagpapaligo ng buhok ko. Paano? E di humihiga ako sa sofa ng naka-extend ang ulo na parang nasa parlor. Para silang nagpapaligo ng isang bata. Sa tingin ko nga, pwede nang magtrabaho sa parlor yung dalawa.

Sa isang banda, naging magaan ang buhay ko dahil naging senyorita ako sa bahay. Utos dito at utos don kasi nga bawal ako magbuhat at baka dumugo ang ilong. Hehe.
I thank God dahil hindi Nya ako pinabayaan sa operating room. Kaya eto ako ngayon , masigla at buhay na buhay na nagkukuwento : )

Thursday, March 16, 2006

MaRies : "Hon, UmUwi ka ng Maaga, MaY SurprEsa Ako Sa'Yo"

Image hosting by Photobucket

baby octopus cala-'maries'

Image hosting by Photobucket

bangus belly con maries

Wow! si Maries nagma-effort magluto. sobrang na-appreciate ko talaga ito dahil instead na magpahinga nalang sya dahil day-off naman nya (mar14), talagang pinaghandaan pa nya kami ng dinner ; )

Monday, March 13, 2006

hOw ThoUghtfUL nAmaN

Kahapon, linggo, as usual mag-isa na naman ako sa bahay dahil may pasok parin si Maries sa work. Nung nagising ako, inalmusal ko nalang yung cereal at malamig na milk. Walang masyadong magandang palabas sa tv kaya maaga nalang akong naglaba. Binuksan ko yung radyo at nakinig nalang ng mga kanta ni Ogie habang naglalaba. Malaki talaga ang advantage ng may washing machine dahil kahit papaano ay nakakapagpahinga ako kada 15 minutes habang umiikot palang yung mga damit sa sabon. Nung medyo malapit na’ko matapos maglaba ay may kumatok sa pinto. Pagbukas ko, si daddy pala ( my father-in-law). Habang bitbit ko sa kabilang kamay ko ang basang pantalon ni Maries, iniabot sa akin ni daddy ang isang plastic na naglalaman ng sarsiadong isda at tinapang bangus na pananghalian ko raw. Saktong sakto dahil hindi pa’ko nakakaluto ng pananghalian. Hindi pa natapos dun, iniabot pa sa akin ni daddy ang plastic na naglalaman ng cellphone. Nasurpresa ako. Alam pala nila (ni Nanay) na nasira na ang cellphone ko. Sabi nya gamitin ko raw muna yung cellphone ni nanay. Awwww… sobrang na-touch talaga ako. Hindi ko na nga napapasok si daddy sa bahay eh. Ang bilis lang nung pag-uusap namin pero bago pa siya makaalis, sinikap kong magmano sa kanya kahit marami akong bitbit. Medyo nakakahiya nga lang kasi basa yung kamay ko. At least, nagmano ; ) Napakasuwerte ko talaga sa mga bago kong magulang.
For the first time, hindi nagmukhang dagat yung bahay dahil konti nalang yung mga natapon na tubig mula sa pinaglabhan ko.yehey! At nakapaglinis pa ako ng buong bahay.

Image hosting by Photobucket

Bandang alas tres ng hapon ay pinuntahan ko na si Maries sa opisina nya at sabay kaming nagsimba sa Sta. Cruz church. Pagkatapos magsimba ay nagpunta kami sa BA Studio para i-check yung final layout nung storybook namin. Okay naman yung mga pictures and wish ko lang na matapos na yun pati yung video dahil pati sila nanay ay naiinip narin.
Dumeretso na kami sa bahay pagkatapos ng BA. Naabutan kami ng medyo malakas na ulan kaya tuloy hindi na kami nakabili ng isaw sa kanto. hay... nag-crave pa naman ako dun. Pag-akyat sa bahay, natulog nalang muna kami. Ang sarap ng feeling kasi medyo malamig ng konti yung panahon tapos magkatabi kaming natulog nung hapon.
Hindi natuloy yung plano kong pagluluto ko ng sinigang na baboy for dinner dahil may natira pa sa binigay na ulam ni daddy kanina. Sa susunod na linggo, i hope maituloy ko na yung plano kong magluto dahil gustong gusto ko talagang matutong magluto ng sinigang, bistek, sarsiado, kare-kare (goodluck), chopsuey at isama narin natin ang yema.hmmmnnnn. sige lang, kakayanin ko yun.

Wednesday, March 08, 2006

2nD oPiniOn Ni DoC

Nagpunta kami ni Maries sa doctor kahapon. Hindi para magpa-pregnancy test kundi para kumuha ng second opinion regarding sa sinusitis ko. I was previously advised by my doctor ( Dr. Calderon - Manila Sanitarium ) to undergo a surgery. Kinuwento ko rin sa pangalawang doctor yun ( Dr. Mendiola - Delos Santos Hospital ) at sinabi nya na okay naman daw yung mga gamot na naibigay sa akin. In-explain nya rin na dapat na talagang malinisan yung mga sinuses kaya sundin ko lang daw yung pinapayo ni doctor calderon. Palagay naman ang loob namin ni Maries sa una kong doctor kaya sa lalong madaling panahon ay gusto ko naring magpa- "endoscopic sinus surgery". Nahihirapan narin kasi ako dahil sumasakit ang kaliwang kilay ko pag kumikindat ako. ( yung lang pala ang concern ... ang pagkindat. hehe). May isa lang pala kaming concern, hindi matutuloy or madedelay ang operation kapag buntis ako. Hay...gusto kong magkababy na kami at gusto ko ring magpaopera pero hindi pwedeng magkasabay yun. So, in HIS time, malalaman ko nalang kung ano ang gusto nyang unahin sa dalawa. Maghihintay pa kami ni Maries hanggang katapusan ng March bago kami gumawa ng desisyon.
Mga kakaibang pangyayari sa Delos Santos Hospital :
1. Si Maries tinuturo yung mga nurse dun at bumubulong sa akin " si jang geum...si jang geum..." he he.
2. Around 11am kami dumating sa hospital pero pang number 11 pa kami sa pila ng mga patient, around 2pm na kami na-accommodate at hindi pa kami nagla-lunch nun.
3.At dahil nga humingi lang daw kami ng second opinion ni doc, hindi nya kami pinagbayad. Ang bait naman.
4.Naglunch kami nila Nanay at Maries sa SM Lazaro sa Goldilocks. Sarap ng laing, bistek, lechon paksiw, lumpiang sariwa, rice, siomai, sago at gulaman at iced tea.

Wednesday, February 22, 2006

MaG-AsaWa'y di BiRo

Ganun pala ang pakiramdam kapag mag-asawa na kayo. Parang bata na bagong silang. Hindi mo alam ang gagawin. Kung alam mo man ay medyo hindi ka pa ganun kagaling o yung tipong nangangapa ka pa. Pero katulad ng isang bata… lagi kang excited sa lahat ng bagay na gagawin mo at masarap yung feeling kapag nagtatagumpay ka sa mga ginagawa mo. Minsan nga lang medyo hindi ganun kapulido ang pagkakagawa gaya ng sa pagluluto (ng adobo), pamamalantsa (ng limang piraso…waaah! ang laki naman kasi ng polo nya), paglalaba (kaya tuloy nasugatan ako) at pagde-decorate ng bahay (na puro karton ng mga rice cooker, plantsa, plato etc. na mula sa mga regalo sa kasal) Pero at least, nagawa mo. Atleast nagawa KO ng buong puso at nang buong lakas (yaahh!).
Mula sa pagiging makasarili ay unti-unti akong binabago at nare-realize ko na ooopps teka, may kasama na pala ako sa bahay at dapat ay umayos ako. Kaya tuwing umaga, hindi lang medyas, panyo at gamit ko ang hinahanda ko kundi pati rin yung sa kanya. Hindi lang unan ko ang inaayos ko kundi pati rin yung sa kanya.
Araw araw, excited ako na umuwi dahil gusto ko na syang makita, mayakap at makasama. Ang corny no. Para kaming mga bata na sa tuwing magkikita ay hindi maipinta ang saya sa mukha. Harutan nang harutan. Paulit ulit lang naman ang sinasabi “ I miss you “ “ I love You “ pero napakasarap pakinggan at may kasama pang pagkilig yun.
Mamaya, magkikita na naman kami. Yahoo. Ano kayang lulutuin ko? Hotdog…Ham…Tinapay nalang kaya at ladies choice ( “ham nga”) hehe. Bahala na. Basta ang mahalaga ay totoo ang lahat ng ito. Hindi isang panaginip. Kung mananaginip man ako, mamayang gabi na lang yun habang katabi ko syang natutulog. Gud.

Tuesday, February 14, 2006

oUr fiRst vaLenTinE's DaY

Dahil Valentines day, marami ang nakatanggap ng bulaklak sa amin gaya nila ms chabs, ate mean at joan.

Nakakakilig talaga. Pero ako, hindi na ako nag-expect ng kahit ano kay maries kasi alam ko namang hindi lang bulaklak ang makapagpapasaya sa akin ngayon. Sapat na sa akin na magkasama kami. Ito ang unang valentines day namin bilang mag-asawa.

Day-off ni Maries today kaya naiwan lang sya sa bahay. Ako naman ay pumasok sa office. Sabi pa nya sa text niya sa akin nung bandang hapon “ Hon, mga 5:30 pm kana umuwi kasi nawalan ng tubig habang naglilinis ako ng banyo, ayoko madatnan mong marumi yung bahay. Sorry hindi na kita masusundo. Kung gusto mo, kain nalang tayo sa labas mamaya”. Naisip ko tuloy, eh ano kaya kung magyaya ako sa chades or sa golden fortune.

Hapon na ako nakarating sa bahay. Yun pala may naghihintay na surpresa. Nung paakyat na ako sa hagdan, nakasalubong ko si Maries na may bitbit na basyo ng bote ng coke. Sabi pa nya sa akin “ bibili ako ng coke, nauuhaw ako eh…mauna kana sa taas hon” Sabi ko “ hindi, sasamahan na kitang bumili”. So sabay na kaming bumili ng coke.

Nung nakabili na kami, ako ang nagbukas ng pinto sa bahay. Patay yung ilaw kaya nung binuksan, lumiwanag yung buong bahay … naluha ako sa nakita ko … isang mesa na may nakahain na spaghetti at chicken, may heart shaped donuts sa gitna at merong candles sa mesa. Sabay narinig kong tumutugtog yung wedding song namin na “sa piling mo”…

Sobrang na-touch ako. Habang nakatayo kami sa may pintuan, napayakap ako sa kanya habang umiiyak. Umiyak din sya kasi raw nakita nya na masaya ako sa ginawa nya. Nung medyo nahimasmasan na, lumapit sya sa mesa at sinindihan ang kandila. Around 6:45 pm, habang kumakain kami, sinabi nya sa akin na “ Mahal na mahal kita” Aaayyy… sobrang sarap ng feeling. Ang sweet naman ng honey ko. Ito ang pinaka-romantic at unique na valentines day namin together.

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

medyo namumugto pa ang mga mata namin. he he...

Monday, February 13, 2006

AdoBo

It’s such a beautiful Sunday, kahit na mag-isa lang ako sa bahay. Pumasok kasi si Maries sa opisina eh. Tamang tama ang pagkakataon para magsanay akong magluto. Medyo tinanghali ako ng gising pero oks lang. For breakfast, I ate oatmeal and bread with magnolia choco drink. Nung medyo tanghali na, I cooked ham and ham omelet. Akalain mo yun! Nakapagluto ako ng ham omelet at masarap pa. Naglulunch ako habang nanonood ng “yours, mine & ours “ sa pc. Uubusin ko na sana yung omelet kaso naisip kong pagtirahan si Maries para naman matikman nya. Yabang!

Around 4pm, nagkita kami ni Maries sa Espiritu Santo para magsimba. Pagkatapos nun ay nag-grocery kami sa SM. Nagpabili si Maries ng meat kaya isa lang ang ibig sabihin nun…kailangan ko nang magluto for dinner. Nyah! So, bumili narin kami ng laurel at mga paminta. Pagdating sa bahay, inilabas ko agad ang cookbook at agad na hinanap ang “Adobong Baboy”. Medyo na-tense nga ako habang nagluluto kasi parang puro suka ang naamoy ko. Hindi kaya paksiw ang kalabasan nun. Mabuti nalang at sobang supportive si Maries. Sabi nya, “hon, kahit na ano pa ang kalabasan nyan, kakainin ko parin yan.”

Pareho na kaming gutom ni Maries kaya nung okay na yung ulam ay kumain kami agad. In fairness, nakailang plato sya. He he. Nagustuhan nya ang adobo at ang ham omelet. Tagumpay ako. Feeling ko ako si Jang Geum. Ayos!
*Habang tina-type ko ito ay nagsasanay narin akong mag-type. asdf asdf jkl; jkl; argh!

Image hosting by Photobucket

buti nalang nakuhanan pa namin ng picture ito
bago pa maubos

Tuesday, February 07, 2006

PiCTurEs iN BaGuiO

Image hosting by Photobucket
Veniz Hotel

Image hosting by Photobucket
Mines View

Image hosting by Photobucket
Baguio Cathedral

Image hosting by Photobucket
Bagui Cathedral - Front View

Image hosting by Photobucket
SM Baguio - hanep sa bubong. kita ang langit.

Tuesday, January 24, 2006

HoneyMoOn SA BaGuiO

Malamig sa Baguio. Yun Lang. Hay, gusto kong bumalik uli dun.

January 8, 2006 at 1:00pm
Victory Liner – Deluxe
Cubao Station


Buti nalang at hindi na masakit ang ulo ko pero si Maries, mukhang may hang over pa. After namin mag-check-out sa Aberdeen, nag-taxi agad kami papuntang Victory Liner Cubao. Ang ganda ng bus. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakasakay sa bus na may C.R. - Deluxe : ) Picture – picture sa bus. Para kaming mag-boyfriend parin. Hindi ko pa masyadong feel na husband ko na sya. Pero nakakakilig kasi magkasa kami.

January 8, 2006 at 7:00pm
Baguio City


Dumating kami sa Baguio. Ay grabe! Sobrang lamig. As in. Pagbaba namin ng bus, pareho kaming nanginig sa lamig. Mas malamig pa sa labas kaysa sa bus. Medyo madilim narin pero hindi kami nahirapang humanap ng taxi dahil nagkalat ang taxi dun. Ayos nga eh, ang taxi nila don karamihan ay mga FX at nakabukas ang mga bintana. Ang charges, naka-metro.

January 8, 2006 at 7:30pm

Pumasok kami sa isang magandang Hotel, ang Hotel Veniz. Malapit lang ito Burnham Park. Since lean season naman, hindi na kami nagpa-reserve nung nasa manila palang kami. Tama naman ang desisyon namin. Sobrang accommodating yung receptionist. Sa room 619 kami nag-check-in. Two beds (?), with shower (pero walang bath tub), cream, brown & peach ang colors sa paligid, malinis at mabango. Ayos. Nung dinner, lumabas kami ni Maries at naghanap ng makakain. So nakipagsapalaran na naman kami sa sobrang lamig na lugar. Hay, okay nalang din, ang mahalaga may kayakap ka kahit malamig ; ) Bumili kami ng chicken sa Baliwag at sinuyod namin ang kahabaan ng session road para lang makabili ng mainit na rice sa halagang 6 pesos. Sarap.

January 9, 2006 at 8:00am

Maaga kaming nagising and sobrang excited na akong mamasyal. Bago kami lumabas, kumain muna kami ng breakfast sa hotel. Tosilog with coffee. Medyo na-disappoint si Maries dahil last time na nagstay sila sa Veniz, buffet yung breakfast kaso ngayon hindi. Sabi nung crew, nagbu-buffet lang sila pag may group reservation. Nagkataon na wala kaya ganun. Una naming pinuntahan ang Baguio Cathedral. Ang taas ng inakyat namin na hagdanan pero enjoy naman dahil pag nakita mo na yung church, mawawala ang pagod mo. Kulay pink yung church. Next stop namin ay sa mines view. Okay yung tanawin at ang ganda ng mga souvenirs. Binisita rin namin yung Ibay’s Silver Shop na mura yung mga tinda. Nung medyo nagutom na kami, pumunta kami sa SM Baguio. Na-amaze ako sa bubong nung mall … open space. Meron namang takip na tela pero mukhang kinapos dahil kita mo parin yung langit. Sobrang lamig sa loob kahit hindi bukas ang aircon. Nagpicture-picture kami sa balcony. Bukod sa pagkain ng lunch, doon kami nanood ng Narnia. Sabi ni Maries, kakaiba ito dahil ngayon lang sya makakanood ng sine sa Baguio. Mura lang P75.00 ang sine at deluxe na yun. Kinagabihan, bumili uli kami ng dinner namin sa labas. Sobrang lamig kaya dumaan kami sa chowking para bumili ng wanton, lumigid sa session road para bumili ng kanin at bumili kami sa baliwag ng inihaw na liempo. Sobrang dami ng nakain namin kaya busog na busog ako. Sagana rin ako sa chocolates na cadburry chocettes and hershey’s kisses dahil nagpabili ako sa SM Baguio kay Maries.


January 10, 2006 at 10:00am

It’s time to leave Baguio. Medyo nakakabitin dahil ang dami pa naming pwedeng puntahan pero kailangan na naming bumalik sa Manila para ayusin ang titirahan namin na bahay. Nag breakfast kami sa McDonalds. Nung nagcheck-out kami sa Veniz, dumeretso na kami ng Victory Liner Station eh kaso 1:00pm pa yung byahe ng deluxe kaya kumain na kami dun sa Maxims sa bus station. In fairness, ang ganda ng station dito. Malamig, malinis at sa second floor ang bilihan ng ticket pati ang food court.

Next time, magreresearch ako uli tungkol sa Baguio at sisiguraduhin kong pupuntahan namin yun pagbalik namin. At saka next time, bibili na ako ng Ube, silver accessories, cardigans, strawberry at mga cute na gamit na pwedeng I-display sa bahay. ; )

Sobrang nag-enjoy ako sa honeymoon namin. Iba talaga pag si Maries ang nagplano. Sana, mag-honeymoon uli kami sa Baguio sa lalong madaling panahon. He he…

Tuesday, January 17, 2006

PiCtUrEs

Image hosted by Photobucket.com
I like this shot. Ang ganda ng smiles namin as we shouted " Friday!"

Photobucket - Video and Image Hosting
carlo,brian (sa likod yung may bitbit na baby), jovie,christian,dada,rj,jonathan,maries,lola,
fia,jon jon,grace,cherry & stan

Photobucket - Video and Image Hosting
Nakaka-touch naman kasi hindi parin kami nakakalimutan ng ABMCB4-A.

Image hosted by Photobucket.com
Eto ibang level. Si Kateh ang kumuha ng shot na ito. Napaka-artistic. Sad to say, nawala ang tarpaulin na ito nung naglipat kami ng gamit sa bago naming bahay.

Image hosted by Photobucket.com
Yahoo...Mabuhay ang Bagong Kasal!

Image hosted by Photobucket.com
Check out the blue flower effects on my bouquet. Cute.

Image hosted by Photobucket.com
Arabella Kim - One of our flower girls

Image hosted by Photobucket.com
Lumakas lalo ang loob ko kasi sinamahan ako ni Billie at Kateh sa labas.

Above photos were taken by Kateh.
( kateh, kung nababasa mo ito, pwede ka nang magtayo ng sarili mong studio. we he he. thanks for sharing the pictures. ang gaganda. )

Image hosting by Photobucket

honey, boks & vhalle
syempre, hindi dapat mawala ang mga bespwends ko

tHe BiG DaY ... JaNuArY 7, 2006 - 1pm

Hindi ako makapaniwala na eto na yun. Ang sarap isipin na nalampasan namin yung mga paghihirap, yung mga pag-aaway (masungit pareho dahil sa pagod), ang mga walang hanggang pagpa-file ng leaves (without pay) at ang matrabahong paglalakad ng mga dokumento.

Eto na yun… eto na nga yun. Bago dumating ang araw na ito, inihanda na namin ni Maries ang aming mga sarili sa mga magaganap. Maganda man o pangit, basta ang sa amin … “Kahit na anong mangyari, wala nang makakapigil pa sa araw na ito”.

Sa Room 714 :
-6:30 am ay gising na ako at si mama dahil pinalantsa namin yung wedding gown ko. Pasaway kami at nagplantsa pa talaga sa hotel.
-sa breakfast, nauna na kaming tatlo : ako, si mama at si bilo, dahil kasalukuyang humihilik pa si Maries at ang pinsan nya na si Marty sa room 712.
-idineliver ang bulaklak around 8:30am. Ang ganda ng lahat ng flowers except yung bouquet ko. Halos walang kulay blue (hydrangea) yung arrangement at medyo lanta na ang mga puting bulaklak.
-habang pinapanood ni bilo ang art jam sa tv, dumating si Arthur ( make-up artist ) at ang sister nya na si Obet. To the rescue si Arthur dahil hindi lang nya ako napaganda kundi pati ang bouquet ko sa pamamagitan ng pagtusok ng mga hairpin na may nakadikit na small blue flowers.Ang ganda ng effect.
-Sumunod na dumating ang buong batalyon BA Studio.
-Dumating rin sila Daddy at Reagan para magbihis.
-Around 12nn, dumating ang bridal car at inasikaso nila Marty at Reagan ang flowers sa bridal car. Hindi na nila pinalitan ang bulaklak dahil maganda ang ni-provide ng Carlines rent-a-car as compared sa freebie nung supplier ko ng flowers.
-Sobrang crowded na sa room at nagsipagdatingan narin ang mga pinsan ko.

Sa sobrang dami ng mga pangyayari ngayong araw na ito... eto pa :

-hindi ginamit ng BA studio ang mannequin. Inihiga nila ang wedding gown ko sa kama at ikinalat sa kama ang mga Bible,cord,veil etc. na pinagka-ayus-ayos ko pa kagabi. (salamat naman at walang nawala or naiwan).
-si belinda at si manong ang naging photographers ko. Si rommel naman sa video.
-nagkagulo kami sa pagsakay mula hotel hanggang church dahil walang masakyan ang mga ligths man, cameraman, photographers at ang magkapatid na beauticians pero sa huli, nakasakay naman lahat at nakarating sa simbahan.
-si dale ang official driver ko na sobrang bait. habang hindi pa nagsisimula ang ceremony, sya ang ka-kwentuhan ko sa loob ng bridal car.
-masaya ako dahil dumating si mommy.
-si jake at vincent ang mga nasa likod ng pinto ng simbahan. Si kateh at billie naman ang kasama ko habang naghihintay sa labas.
-si billie at benj ang kumuha ng flowers, souvenirs and blue envelope sa hotel.
-si billie ang naging coordinator ko (impromptu ito) nakita ko rin na nagbibigay ng flowers si ellen at erly habang nasa loob ako ng bridal car.
-ang ganda ng boses ni kateh dahil sya ang kumanta sa church during pictorial. Okay rin ang mga readers na sina myra, ellen at pinky “amen”.
-nakakangalay lumuhod sa simbahan. Tinanggal kasi yung upuan eh. Nag-uusap pa nga kami ni Maries kung tatayo na ba o hindi. (daldalan sa altar)
-yung matches, nawala. Ibinigay lang nung isa sa mga staff sa church nung nasa altar na yung candle sponsors at magsisindi na ng kandila.
-after ng ceremony, bumalik kami ni Maries sa hotel dahil tinanggal ni Arthur ang veil ko at pinalitan ng curly na wig para maganda ako pagdating sa shangri-la. Ang ganda. Habang nasa hotel pala ako, nakapag-c.r. narin ako sa wakas.
-pinagamit ako ni sister obet ( sister ni Arthur na girlalu din) ng pabango dahil hindi ako nakapagdala.
-sobrang nag-enjoy kami sa reception kasi ang kulit din ng mga emcees namin : myra & kateh.
-si rona ang nakakuha ng bulaklak at si kuya jonathan "allan" naman yung sa garter.
-after ng reception, pumunta pa kami sa tondo dahil may salu-salo kina nanay. Naka-wedding gown parin ako at naka-barong si Maries. Feel na feel talaga.
-At around 10 pm, bumalik kami sa hotel, sa room 513 at doon na natulog at nagpahinga. Sobrang sumakit ulo ko, pati si Maries. Ganun yata talaga pag sobrang pagod at pressure. Wala na kaming energy para sa honeymoon pero pagdating namin sa Baguio, babawi kami : )

Sa totoo lang, sobrang na-appreciate namin ni Maries ang efforts ng lahat ng tumulong sa amin lalo na ang asmira at ang family namin. Mula sa hotel, church at reception, nandun sila. Sobrang successful yung wedding at nag-enjoy talaga kami. Gustuhin ko mang i-text at pasalamatan sila, hindi ko na nagawa dahil nabitbit ng auntie ko ang cellphone ko at yung ibang gamit pabalik ng Novaliches. Nyek!

A dAy BefOrE our WeDdiNg

Ganito pala pag ikakasal, ang dami mong iniisip. Feeling ko nga ang dami pang dapat ayusin pero buti nalang nakakuha ako ng mga shoe boxes para ma-segregate lahat ng mga kailangan ko. Mahalaga na alam mo ang bilang ng mga boxes dahil mas madali magcheck kung may kulang. One day before our big day, nag-check-in kami sa Great Eastern Hotel, Aberdeen Court along Quezon Ave. Nagkita nalang kami ni Maries dun. Hinatid ako nila Auntie Luz sa Hotel with their Fx. Medyo namasyal pa kami ng konti sa SM North kasi mga 10am palang ay nandun na kami eh 12nn pa kasi ang check-in. Malaki ang naitulong ng wedding checklist ko at labels na inilagay ko sa mga boxes/envelopes para mapadali ang paglilipat at pag-aayos ng mga gamit. Eto yung mga boxes at isinama ko narin yung ibang lalagyan :

Emergency Kit – extra stockings, hairpins, scissors, cotton, cotton buds, safety pins, powder, ballpens, my pearl accessories, medicines, sanitary balm, correction fluid ( for stains), cutter, pliers ( as requested by Arthur, just incase na mahabaan sya sa tiara, puputulin nya), extra aqua blue & powder blue flowers from my invitation.

Wedding Materials 1– Bible, cord, veil with safety pins, arrhae, 2 pillows with safety pins (ikabit na ang mga aras lalo na ang rings sa mga pillows para hindi makalimutan.Gumamit ng malaki at matibay na safety pins for the rings).

Wedding Materilas 2 – Unity Candle (na sobrang bango na masakit sa ulo), lighting candles and matches.

Bridal Shoe Box – my shoes for the ceremony

Blue Envelope with garter lock – guestbook, invitation copies, misalettes, pentel pens for the gifts and guestbook, medium & large garters to be used for the game during reception, supplier’s kit ( compilation of supplier’s name, contact number & person plus receipts and contracts ).

Overnight bag – clothes and other things needed for our honeymoon in Baguio. Bale, ibinigay ko ito kay Maries a few days before the wedding para ilagay nya rin yung gamit nya. Sobrang ang laki ng advantage kasi hindi pa ako natataranta nung ni-prepare ko ito kaya nadala ko at ni honey ang lahat ng kailangan.itong bag na ito ay nakatambay lang sa Aberdeen Court at naghihintay nalang ng bitbitin sya sa Baguio.

Big Bridal Box – contains my wedding gown, long veil, silver bag, blue garter na isusuot ko for the reception and stockings.

1 Medium Shoulder Bag – contains my overnight clothes sa hotel before the wedding, powder, cellphone, wallet, sandals. ( This is not recommended. Just before the wedding, medyo natataranta na ang lahat, ipinahawak ko itong bag sa auntie ko. Unfortunately, after the reception, nadala ni auntie yung bag hanggang sa Novaliches. Imagine, ilang araw kami sa Baguio nang wala akong cellphone ( haaayyy…) at ang sandals ko ay sandals ng mother in-law ko. If possible, yung mahahalagang gamit gaya ng cellphone ay nasa overnight bag na. Yung pera naman na pambayad sa suppliers, dapat nasa taong mag-aasikaso nun. Sa case namin, si Maries ang naghawak ng pera.

1 Giant Bag – Overnight bag ni Mama at Bilo. ( yung ibang gamit na hindi ko na kailangan, like yung pantulog ko, dito ko inilagay lahat.) Meron ditong shampoo, malaking suklay, mini towels, bathrobe and lotion.

Manequin – I borrowed this from a friend. Kaso hindi rin nagamit sa photo & video kasi brown yung color and ito yung tipong may hook na parang lagayan ng damit sa divisoria. Hindi ako nakakuha nung black na mannequin pero maganda sana ang effect nun.

Favors – 14 red wines for the princal sponsors

Offering – 1 basket of goodies

3 Giant Plastics - souvenirs


Iba naming ginawa ni Maries upon check-in sa Aberdeen Court, Great Eastern Hotel last January 6 @ 1:00pm.

-Nagbayad ng Corkage sa hotel para sa photo & video ( hayyy…)

-Naghanap ng Room na nasa window side unfortunately wala sila nun. Ganda pa naman sana ng effect sa video nun at maaliwalas pa. ( Dapat pala during reservation ay nagtanong na kami )

-Remind Suppliers – Bridal Car (call & text), Photo & Video (call), Flowers (call), Hair & Make-up Artist (call & text)

-Settle Payment – Goldilocks Cake (Walking distance from hotel)

-Reception – we gave the tarpaulin in advance and made special instructions

-Church – we gave the candles & matches in advance para hindi na patakbo-takbo kinabukasan.

Note : Isa sa pinakamagandang ginawa namin ni Maries ay ang paglalaan ng budget para sa dinner at breakfast sa hotel dahil hindi ito kasama sa aming honeymoon budget sa Baguio. Tungkol naman sa rooms, nagpareserve muna kami ng 2 deluxe rooms (room 712 & 714) ( twin beds ) from January 6 – 7 @ 12nn. That’s for the bride / family and groom / family. Before kami umalis papuntang church ng January 7 – 12nn, inilipat na yung lahat ng gamit mula sa rooms 712 & 714 sa iisang kwarto (room 513). This time, deluxe parin pero ( double bed ) isang malaking kama na for our honeymoon. Yung mga gamit ay babalikan nalang ng aming mga partido after ng reception.

Importante rin na kaibiganin lahat ng suppliers para maganda ang performance nila during the big day. As advised by Arthur, ang official hair & make-up artist ko, naligo na kami nila mama at bilo the night before the wedding day dahil mahirap magpatuyo ng buhok kinabukasan.

Hindi ko nagawang ...
-matulog ng maaga before the wedding dahil hindi ako makatulog.
-mag-c.r. before wearing my wedding gown kaya nung nasa church na ay gusto kong mag-jingle sa nerbyos.
-mag-thank you kay mama dahil pinlantsa nya yung wedding gown ko sa hotel (take note : literally, hindi natulog si mama buong gabi before the wedding).
-hindi magsungit kay bilo dahil tense na ang lola mo.
-magsuot ng bathrobe paglabas ng c.r. nung umaga na at minemake-up-an na ako ni Arthur. kaya pala yung mga photographers at lightsman ay nakatingin. nakatapis lang ako na above the knee ang haba. ibinulong pa ng make-up artist ko "magsuot ka ng bathrobe dahil masyadong daring.." Saka ko na-realize na "Shaks! oo nga.." (kakahiya).
-kumalma at ngumiti sa hotel dahil masikip sa braso yung gown at maluwag naman sa dibdib.

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker